top of page

Featured Indie Artists for this MONTH

EDITORYAL

Politika sa Musika

ni JESSIE GRACIO

 Panahon na naman ng halalan. Panahon na naman ng pagpili sa susunod na lider ng ating bansa. Panahon na naman ng samu't-saring pangako at kung anu-anong pang gimik para sa inaasam na boto at inaasam na puwesto sa pamahalaan. At ngayong panahon ng eleksyon pagkakataon na nating mga musikero mula sa indie scene na pumili ng mga politikong makikinig papansin at susuporta sa kapakanan ng mga indie artist sa PiIipinas.

 

Gaya na rin ng mga laman ng lyrics ng campaign jingles na sinulat ng ilan sa mga kapanulat sa indie community para sa ilang partikular na kandidato, sana ay sumalamin din ang diwa ng liriko ng bawat jingle sa aktuwal na kalagayan natin. Na sumalamin nawa sa mga politiko yung mga positibong kataga at bersong pinapabango ang imahe niya sa mga tao. Sana hindi puro salita lang, sana may effort at makatotohanan.

 

Kaya ngayong halalan pagkakataon na nating piliiin ang lider at mga politiko sa LGU sa Kongreso, Senado at hanggang sa palasyo na bukas ang kaisipan hindi deadma, hindi seenzone at bibigyang pansin ang mga indie songwriters at performers. Para maisulong at masuportahan ang mga kapakanan at karapatan ng indie community. Para sa pag unlad ng OPM ang pagyabong ng musikang pinoy ay maihahalintulad sa isang puno na binibigyan ng sapat na atensyon, panahon at aruga upang mamunga. Kung bibigyan lamang ng aksiyon ng susunod na lider at mga magiging lider ang pagpapaunlad sa musikang pinoy sa pamamagitan ng suporta sa indie scene hanggang sa mainstream, tiyak na ang pag unlad ng OPM. Dahil ang indie scene ay nag bu-bloom sa kasalukuyan at kailangan lang ng wastong aruga at panahon upang lumago ito at mamunga.

 

Matuto sana ang ilan sa mga namumuno sa mainstream at sa independent scene na itigil na ang pamomolitika at asikasuhin ang kapakanan ng nakararami sa kanilang hanay. Kailangan ng effort hindi talkshit at pangako. Hindi puro sabi lang. Di puro politicking na existing sa music industry hanggang sa ngayon. Huwag kang PAASA (Thea Vito). TAMA NA ANG KURAKOT (Alfred Hempisalla)upang musikang pinoy ay hindi mabansot sa pag-unlad, "Make a change that you want to see in this world", ika nga ni Gandhi. So we gotta do it all, gotta do it all right now, that's what STEREOXIDE tells sa kanta nilang CHANGE. Dahil WALANG FOREVER (Jayson Joaquin) at naniniwala pa rin ako na ang katiwalian at pamomolitika sa pamahalaan man o sa industriya ng musika ay magwawakas. Kailangan lang na huwag tayong maging BATUGAN (Kalyo), upang sa pagpili ng tamang kandidato ay magtagumpay tayo.

 

Maging aktibo sana at di sumuko ang lahat ng kapanulat at mga organisasyon sa indie scene na isulong ang pagsuporta at pag push sa kapakanan ng mga indie artist sa bansa. Magkaisa nawa ang lahat na suportahan ang bawat isa at hindi ang sarili lang o ang mga kakilalang kapanulat o di kaya'y mga kapanulat na kabilang sa kinapapalooban nyang organisasyon. Tama na ang pagkakawatak-watak, pagkanya-kanya at pagiging makasarili at selective. Tama na ang pasikatan dahil iisang bangka tayo.

 

Nawa'y pumili na tayo ng tamang lider ngayong darating na halalan. Huwag maging EMOTERO (Bong Cervantes). sa pagharap sa mga isyung dapat ipaglaban, kasi di dapat HUGAS KAMAY (Anna Aquino), ang independent scene na pagtakpan ang katiwalian at sabwatan sa loob ng isang samahan. Tigilan na ang hidwaan at away at hindi pagkakaunawaan na parang moro-morong eksena. Sa scripted na sequence sa loob ng senado at kongreso, na parang scene sa WWE. Di na dapat tayo isip-bata na ngawa ng ngawa at sasabihin sa madla na ISUSUMBONG KITA SA AKING LOLA (Rommel Sengco) at pag-usapan na lang ang lahat ng di pagkakaunawaan. Let's all be friends, friends.

 

FRIENDS BE WITH YOU, sabi ni Yan Abelardo. Huwag sana tayong ngiting aso at tila santo gaya ng mga politiko sa kampanya tuwing HALALAN (Alvin Camacho. Kung ang lahat ng kapanulat, mang-aawit sa indie scene ay magkakaisa, susuportahan ang bawat isa at wawakasan ang politika sa industriya. Magkakaroon tayo ng pag-unlad at PEACE OF MIND (Ashdevon). Masasabi nating sa ating mga sarili na LORD SALAMAT (KJ Reyes). May pag-asa pa ang pagbabago at magsisimula ito sa pagboto natin ngayong Mayo 9. Bumoto ng tama nang buhay ay guminhawa at maging so DELICIOUS (Jessie Mendoza) at tiyak di na tayo mag FALLING (Jessy Justo) at siguradong magliliwanag at liliwanag ang buhay ng lahat gaya ng sabi ng kantang ULTRASOUND (JG).

 

Mga kapanulat at kapatid, Umahon! Bumangon at Manindigan!

Mabuhay ang Musikang Pinoy!

 

 

 

Memoirs

of an

Indie

by

Discovering the hidden gems, the Pinoy Indie Music

 

For people discovering Pinoy indie music for the first time, they would often be surprised and overwhelmed by the gargantuan talents and exceptional sounds of genuine unfiltered Filipino music. 

 

The OPM that most people are familiar with is the commercially tailored music found in the market, sounds that are specifically designed to cater to particular segments.  Such details to its packaging, marketing and presentation of the well-produced music make it impossible for any Filipino to avoid its intense radiance.  However, for the genuine music lovers, there are hidden gems tucked under the mountain of commercially made music that are worth discovering.  As you sift through the vivid and well-crafted sounds of commercial music, you will find deep within OPM’s core are the precious gems, the array of Pinoy indie music. 

 

At first glance, one can observe the more common rustic unpolished sounds of the indie vibe.  Simplistic and unpretentious in its construction, but dynamic and vibrant in its delivery.  The genre may be varied, but the general vibe is felt across the board.  However, if one is curious enough to peel off the layers of the familiar sound they all share, there you will find within its epicenter are the complex textures of its lyrics and melody.

 

The spirits of all indie music are the talented indie artists.  They bring to life the colors of life’s experiences in the words and melodies they create.  Regardless of the many years of experience and mastery of their crafts, many are still embraced by shyness and introversion.  They are sheltered in secrecy in their private lives, but they exude vibrancy and confidence on stage.  In numerous occasions, even if they have mastered their talents and on par with commercial artists, many still feel insecure offstage.  It is that lack of confidence and marketing knowledge that create the barriers for many indie artists.  It becomes an uphill battle to achieve their dreams.

 

For decades, OPM has taken a backstage to international music.  The uniqueness and originality of foreign songs have made them appealing to many Filipinos.  The amount of time and importance given by the Philippine music and broadcast industries have further strengthened their position in the local market. 

 

The roads to fame and national recognitions for indie artists are long and tedious paths.  Oftentimes, it takes a lifetime to accomplish, but for many, it remains just a distant dream.

 

Like K-Pop that has exploded around the world, and is now the number-one export of South Korea, so why can’t OPM do the same for the Philippines?  One can only assume that it requires the change in attitudes of Filipinos to love their own, and see it as being on par, or even surpasses many international acts.  Pinoy indie artists need to get off the bandwagon, and showcase their originality to make it on the national and global stages.  Indie artists who follow the trends are often compared to commercial acts that are more polished and well presented.  The wide selection of music available to the Filipino public has made it nearly impossible for indie artist to make a mark in the industry.

 

In 2015, the Philippines had 53.7 million Internet users, and this figure is projected to grow to 69.3 million Internet users in 2018.  The advent of the Internet and especially the social media have helped indie artists showcase their music to wider audiences.  Capturing a bigger fan base is easier than before where there were only conventional open mics and live events available to them.  There is also an insurgence of interest by Filipinos towards OPM due to the recent international accolades of several Filipino talents.  This can only help indie music capture the attention of more local and international audiences in the future.

 

Despite the new avenue for promoting indie music through the Internet, and its positive outlook in the future, without a doubt, it would require the conscious efforts by the people in the Philippine broadcast and commercial music industries to provide a wider stage for these original works.  Furthermore, there is an urgency for the government to play a more active role in protecting the rights of the artists, and to help raise the importance of appreciating and preserving the Filipino culture through its music.

 

Indie music will forever be the true precious gems of OPM, and it is said that it will be the future of the Philippine music industry.

 

(www.facebook.com/jershon.songs)

INDIE SONG REVIEW

by Ambushero

LSS HIGH FIVE

Sa unang isyu ng LSS 5 Indie Song Review.  inilista ko ang lima sa mga kantang napakinggan ko at ng iba pang mga tagapakinig sa Youtube, Soundcloud at sa ilang mga bars sa Metropolis at ni review natin at binigyan ng grado ang mga sumusunod na kanta.

 

Note: PAKI-CLICK PO ANG TITLE PARA  SA LINK NG KANTA SA YOUTUBE.

 

 

WALANG FOREVER

Jayson Joaquin

 

"Walang pag-ibig na magtatagal, walang forever,  walang stay together. Di na ako naniniwala mula ng ikaw ay mawala" Damang-dama mo ang kanta kung bitter ka o di kaya naman ay galing ka sa isang failed relationship na nauwi sa hiwalayan. Ito ang theme song na bagay sa break-up na iyan. Pinapahayag ang pait at sakit na nararamdaman ng isang nasaktan at nabigo sa pag-ibig. Walang katapusang tunggalian ng mga TEAM FOREVER at TEAM WALANG FOREVER. Ito'y may kurot sa mga heart-broken pero parang manhid sa mga inlove at die-hard may forever fans. Parang Evolution ito ng kanta ni April Boy Regino na Di ko kayang Tanggapin. Choz!

 

 

BATUGAN

(KALYO)

Ivan Corleone

 

"Batugan kung tawagin di pagpapalain pagkat walang alam gawin kundi matulog at kumain". Nakuha ng bandang Kalyo ang kiliting masa sa kantang batugan pagkat nakakarelate ang karamihan sa katotohanang sumasalamin sa naghihirap na lipunan at sa kultura ng katamaran ng mga Pinoy. Simple pero catchy at radio friendly ang kanta na masasabayan ng mga tambay sa kanto. Puwedeng pang videoke at  pang themesong sa inuman ang kanta. Mabuhay ang mga Tambay!

 

 

LORD SALAMAT

KJ Reyes

 

Kung may catchy sa lahat ng catchy sa kanta sa indie, isa ang kantang Lord,  Salamat ni KJ Reyes na kasama sa kanyang debut indie album na ni-launch kamakailan lang. Ito ang pantapat sa Lord Patawad ni Basilyo ng Mainstream OPM. Contradictory at dapat naman na hindi lang tayo tumatawag sa Diyos para humingi ng tawad kundi para din magpasalamat sa mga biyayang natatanggap natin sa araw araw. God Bless.

 

 

HALALAN

(STEREOXIDE/ EYOUTH BAND)

Alvin Camacho

 

"Masdan mo ang politiko tuwing halalan ay parang santo ang babait nila sa mga tao nakangiti pero ngiting aso". "Oh tuwing halalan pabango ng pangalan walang nalalaman kundi puro kabulastugan". Hwag magtaka kung sa pagkanta mo ng kantang ito sa mga meeting de vance ay ipadampot ka ng mga politikong matatamaan ng talas ng kantang ito na swak na swak sa panahon ng eleksyon. Panawagan sa mga botante na magising na at pumili ng tamang lider sa bansa. Napapanahon ang kantang ito para sa panahong kailangan ng mga botante at korap na politiko ng ice bucket challenge para mahimasmasan. Babala mang ingat sa sniper pag kinakanta ang kantang ito:)

 

 

ULTRASOUND

 Jessie Gracio

 

"Nakita ko ang buhay ang buhay na makulay sa ultrasound ang tunay na ligaya ang tangi kong nakita sa Ultrasound...Lumiliwanag Nagliliwanag Lumiliwanag Nagliliwanag ahhh..." Tunog 90's tunog Eheads. Tumatatak sa lahat yung chorus ng kanta na super LSS kasi paulit ulit lang pero may lalim yun kapag inintindi ng karaniwang tao. Mahiwaga siya, para iyung buhay at kaligayahang maisislip natin sa ultrasound.  Level 1, 2 at 3 ang nakuha ni Gracio ng awitin niya ang kantang ito, patunay na puwede kang maging malalim na naaarok ng lahat ng tagapakinig ang hiwaga at pagkaseryoso ng kanta mo sa simpleng paraan. Pumunta sa OB GYNE at kantahin ang kantang ito para mailibre ng konsulta hahaha.

 

© 2016 by ANG MAESTRO MEDIAWORKX.

PRODUCTION TEAM

Publisher/Editor-in-Chief

 JIMI JURADO

Associate Editor

JESSIE GRACIO

Senior Writer

JERSHON CASAS/LORNA RODRIGO

Contributors

INDIE ARTISTS

 

bottom of page