top of page

GLOBAL INDIE

Kenneth Vladimir (The Beast)Vocalist

 Jojo AgustinesLead Guitarist

 Myk LavinaBassist

EnenRiff Guitarist

AdrianDrummer

 

Ang Gates of Gomorrah ay isang Filipino Metal band na nakabase sa Dubai.Winning the 3rd place in the Alghurain Battle of the Bands 2014 is their latest achievement.

 

Nabuo ang banda sa hindi ma-explain na dahilan. Kumbaga parang inaadya lang talaga ng pagkakataon dahil hindi naman sila magkakakilala at saka matagal nang lahat huminto silang lahat sa pagtugtog. Katulad ni Myk, na 10 years na ring hindi tumutugtog ng bass sa kahit anong banda, si Vlad ay ganun din. Matagal nang wala kaming banda. Dalawang taon pa bago nabuo ang banda.

 

Ayon sa pagsasalaysay ng Lead guitarist ng banda na si Jojo,, bumalik sa kanyang alaala ang nakaraan kung paano nabuo ang Gates of Gomorrah.

 

"Bumalik lang ang passion namin sa music nung 2012 nang mag-meet kami ng kaibigan at bandmate kong bokalista nung high school. Nasa Pinas pa ako noon. Then, nagpunta ako sa Dubai noong 2012. Kararating lang ni Enen.  Nauna lng ako ng ilang buwan. Ang style ng genre namin, nag-umpisa nang makita ko ang Dark Crayola band at Il Nomine Patris. Na-amaze ako sa kanila sobra at saka hinahangaan ko talaga ang mga Pinoy metal bands nating malulupit, kaya pinili ko ang 8-string guitar mula nang mabili ko 'yun. Hindi pa kami magkakilala ni Enen. Sa isang website ng bilihan kami nagkakilala. In-add niya ako sa FB at dun na nagsimula ang conversation namin. Nagkaroon siya ng interest na bumuo kami ng banda. Sa naisip kong style at genre, using 8-string guitar, pero 'di pa rin kami dun nabuo. Lumipas pa ang 2 years. Nakabili na siya ng 8-string guitar niya. Wala pa rin kaming nahahanap na naaayon sa tugtugang gusto namin kasi medyo kumplikado, saka mahirap talagang humanap ng ka-bandmate dito sa Dubai, na may talent, kagaya ni Vlad.

 

"Dumating sa punto na parang nawawalan na kaming dalawa ng pag-asa, kasi nga mahirap maghanap ng bokalistang may sanib dito sa abroad, unlike sa Pinas. Then, one time nagkaroon ng isang metal concert underground sa music room dito sa Dubai. Concert ng benovolent. Nag-try manood si Enen. Nagbabakasakali na makakita ng bokalista, kaso puro ibang lahi ang malimit na nagpupunta doon that time. Nung nandon na sa concert,  nakita ni Bro. Ken,  na may isang Pinoy. Naligaw. Si Enen nga. Kasi si Ken lang ang laging pumupunta sa mga underground. Nagtaka si Bro. Ken. Doon nagsimula. Binati nito si Enen at kinamayan dahil may Pinoy sa metal scene."

 

"Hanggang naikuwento nga ni Ken na matagal na rin siyang naghahanap ng kabanda, pero walang kumukuha sa kanya dahil sabi sa kanya ng iba, pangit siyang kumanta at wala sa tono. Isa pa, maraming natatakot makasama siya dahil sa kakaiba niyang ugali at kilos. May kakaibang paniniwala at prinsipyo sa buhay si Ken."

 

"Ako naman nakinig lang sa kuwento ni Enen, pero sa utak ko, iba ang lumalaro, dahil matagal na rin ako sa metal scene. Since high school pa," dagdag pa ni Jojo. "Pero, instead na matakot , ang sinabi ko kay Enen na 'wag siyang matakot. So 'yun na nga, nahikayat ko si Enen na subukan muna namin si Bro. Ken at akong bahala. Sakto naman, that time, nagkaron ng isang malaking event dito- ang Al Ghurair Band Jam noong 2014. Battle of the Band siya, na open sa lahat, profesional or amateur. Then, simula nung nagkakilala kami, may 1month lng kaming time para makabuo ng band, kasama ang praktis. E, parang imposible, 'di ba? Sakto naman, after 1 week, nagpunta naman si Ken sa isang bar sa Chealsea Hotel. Doon nakita ni Ken si Myk sa men's room. Nag-usap sila at inalok kung gusto magbanda."

 

Pumayag si Myk. Then, four times lang silang nakapagpraktis. Ang purpose naman kasi nila noon ay hindi para makipag-battle. Gusto lang talaga nilang makatugtog at ma-expose kasi sa lagay nila, hindi naman nila expected na makakakuha ng place doon. Masyadong bata pa talaga ang band nila.

 

"Pero, nang umakyat kami sa stage, sinabi namin sa sarili namin na ibibigay namin ang lahat ng lakas namin sa isang performance. Yun! Expected. Nagustuhan kami ng crowd. Talagang nabuhay ang mga nanonood noon, pati ang mga judges. Siguro, mapalad lang kami. Grabe ang experience namin noon. Kahit sobrang init sa gitna ng disiyerto, naglalakad kami para lang makarating sa studio at makapagpraktis. Three nights kaming sumalang sa stage noon. So, talagang nagkaroon ng pagkakataon na ma-expose kami, na ang iniisip lang namin ay passion lang sa music, hanggang umabot kami sa championship. Iba't ibang banda at lahi ang mga kasali. Mahuhusay lahat. Sabi namin, o hindi na kami mananalo. As in, mahuhusay ang mga banda at saka metal band kami. Maingay at 'di naman talaga mananalo ang mga type ng band namin sa ganung klaseng event, na mga Briton ang gumawa. So, nagyakapan kami, bago umakyat at sinabi namin na go lang kami. Ibibigay na namin ang lahat ng natitirang lakas namin, kasi 3 nights na kaming tumutugtog. May work pa kinabukasan. Nang umakyat kami ng stage, nagsisigawan ang mga ibang lahi sa amin, lalo na ang event coordinator na Briton."

 

"Go get it!"

 

"Go get it! Burn the stage!" Iyan ang sinisigaw nila.

 

Doon na  nag-start na makilala ang Gates of Gamorrah. Hinango ang pangalan ng banda sa isang libro.

 

Sa ngayon kapag naiimbitahan sa mga event ang banda. Doon sila tumutugtog at kapag wala naman, mga normal na nilalang lamang sila, na nagtatrabaho sa opisina.

 

Ang Gates of Gamorrah ay kasama na rin sa Wall of Fame sa Zephyr Rock Bar sa Dubai.

Obet Rivera

(Singer -Songwriter -Guitarist)

 

Location

Singapore

Occupation

Guitar / Bass / Ukulele / Music Theory teacher

Education

BSE English (2001)

MAEd Language Education (2005)

Grade 8 Rockschool UK (Electric Guitar) (2011)

Grade 5 Classical Music Theory (Royal Schools Of Music UK)

Grade 5 Clasical Guitar (Royal Schools Of Music UK) (2012)

Other Skills

MIDI Programmer, Music Arranger, Music Production, Minus One,Singing, Vocal Arranging

Side Jobs

Session Musician, Guitarist for tours/concerts and studio recording

Instrument

Guitar, Bass, Piano, Harmonica, Ukulele

 

   Obet Rivera is a seasoned musician. Started playing guitar at 12, played as solo acoustic singer in bars in Metro Manila. At 19, later recruited to play lead guitar for a band and traveled to Singapore, Malaysia, Indonesia, Thailand and China. 

When he was just 21, and for years of performing in some of the best bars and hotels around Philippines and other countries, he became a session guitarist for celebrities for their live shows, Wally Bayola and Jose Manalo, Allan K, and Mitoy Yonting with The Voice Kids concert in Singapore, to name a few.    

 

   While in Singapore, he took music courses to enhance his skills in music reading, notation, theory and electric guitar techniques as well as Classical recital pieces. Further upgrading his credentials and eventually became music teacher in 2009.

 

   He started writing songs at the age of 14, but most were not recorded and lost. He stopped writing for a few years. In 2013, his interest in songwriting sparked by the advancement in recording technology, as it became more affordable and more user-friendly. Armed with more musical knowledge and experience, he wrote songs for his album, recorded, arranged for other Indie artists, like Amelia Roberts and Butch Monserrat. Obet also became finalist for the Philippine Independence Day Celebrarion, Songwriting contest in 2014 with his song Smile Pinoy.

 

   It was last year 2015, when Butch Monserrat mixed and mastered Obet Rivera’s song “Dilemma”. Butch passed the copy to Music Pinoy Radio, where they play it on-air on regular basis, and was included in the Indie Compilation Vol 2 by Bongskie Productions, the same song is now available for request on Pinas FM 95.5.

 

   Obet’s first album is in its final stage, and most probably be out by middle of 2016, it has 10 original tracks, in different genre form. Rock, Reggae, Folk, Funk, Pop, Chillout Jazzy. He played most instruments and sang all lead and back up vocals. His musician friends also helped in the reality of the said album.

 

   Obet’s dream is to write a song that can simply touch and change people. He hopes to release an album or two.

 

   His advice to his fellow indie artists; “Write as much as you can. Do not stop learning and improving, be it playing your instrument, lyric writing, melody writing and even the technical  stuff of recording. Share as much as you can. Support fellow indie artist. Indie is a community, no one will survive alone here”.

 

© 2016 by ANG MAESTRO MEDIAWORKX.

PRODUCTION TEAM

Publisher/Editor-in-Chief

 JIMI JURADO

Associate Editor

JESSIE GRACIO

Senior Writer

JERSHON CASAS/LORNA RODRIGO

Contributors

INDIE ARTISTS

 

bottom of page