top of page

HOMEGROWN ARTIST

Si Antz Aguro ay tubong Bacolod city. Single, simple, hardworking at friendly. Mga katangian ng isang nangangarap na mapansin sa larangan ng pag-awit at pagkatha ng mga magagandang obra.

 

Kuwento ni Antz, "12 yrs. old ako natutunan ko ang tumipa ng gitara. Una pinag_aralan kong mabuti ang mga chords gamit ang chord chart sa mga songbook o jingle magazine. Walang nagturo sa akin, sariling sikap ang ginawa ko. Sa chord chart ako nagbabase ng mga chords na nakikita ko na nakalagay sa taas ng mga kanta. Tumigil ako sandali sa paggigitara, kasi basketball player talaga ako. Yun yong focus ko noon. Pero sinamang palad at napilayan ako sa tuhod. Hayun at  biglang bumalik sakin ang paggigitara. Pero natigil ulit dahil kailangan kong magtrabaho. Mga limang taon din bago ako bumalik sa paggigitara. Doon na ako nakagawa ng kauna-unahang komposisyon ko na UNANG TINGIN,  para ito sa mga na love at first sight. Na kusa na lang lumabas sa isip ko na sadyang dumaloy sa mga kamay ko upang malapatan ko ng magandang melodiya gamit ang gitara.

 

Sa father na sobrang idol ko sa pagkanta at paggitara ko namana ang pagiging musikero at sa mother ko naman namana ang pagsusulat.

 

Sa aking mga nagawang kanta ay mas tumatak sa akin ang ginawa kong kanta para sa church nung graduation ng community,  para dun sa layunin ng community na sinalihan ko.

 

Masarap sa pakiramdam kapag tumutugtog at kumakanta sa harap ng maraming tao. â€‹Pero mas masarap nagkaroon ng maraming kaibigan na may tiwala sa kakayahan mo kahit nga isang indie artist lang ang turing sa atin.

 

Wala akong ibang maipapayo kundi ang ginagawa ko para sa aking sariling mundo ng musika, praktis ng praktis. Stay humble, gamitin ang tenga at pandama para makalikha ng isang kahanga hangang musika.

 

Pangarap kong maiparinig sa buong mundo ang aking mga obra. At hindi ako titigil sa pagsusulat dahil dito ako masaya."

 

 

 

© 2016 by ANG MAESTRO MEDIAWORKX.

PRODUCTION TEAM

Publisher/Editor-in-Chief

 JIMI JURADO

Associate Editor

JESSIE GRACIO

Senior Writer

JERSHON CASAS/LORNA RODRIGO

Contributors

INDIE ARTISTS

 

bottom of page