
MAESTRO
Ang
Filipino Indie Music Tribune
APRIL ISSUE
FEATURED ARTISTS
![]() | ![]() | ![]() |
---|---|---|
![]() | ![]() | ![]() |
![]() | ![]() | ![]() |
![]() | ![]() | ![]() |
![]() |
FEATURED INDIE ARTISTS
by Jimi Jurado
Isinilang siya noong November 30, 1976 sa Bayan ng Lemery, Batangas at nabinyagan bilang si Alexis Rafael. Ang lead vocalist ng bandang Nirvana na sumikat noong 90’s na si Kurt Cobain ay tinatawag dati niyang Kuya Kurt hanggang sa maisipan niya itong gamiting stage name.
KUYA KURT
Nagsimula kumanta noong bata pa si Kuya Kurt. Nasa elementarya noon. Sa school, pinapakanta siya ng titser nila pag walang nakikinig at nag-iingay sila habang nagtuturo ito. Sabi ni Kuya Kurt, “Parusa yun sa mga classmates ko na di nakikinig, torture sa kanila ang mapakinggan akong kumanta. Hahaha…”
Ang talento niya sa pagsusulat ng kanta at paglapat ng magagandang melodiya ay namana niya sa lolo. Nagsusulat din ang kanyang lolo ng sarili niyang musika at ang gamit nito ay isang Biyolin. Nahubog ang kanyang galing sa pagkanta dahil sa kanyang nanay. Magaling din kumanta ang kanyang nanay at sa katunayan daw ay meron silang mga collection ng Vinyls at mga cassette tapes. At sa pakikinig din sa mga naggagandahan awitin mula sa phonograph nila ay naging daan din upang lalong sumidhi ang kanyang pagmamahal sa musika. Meron pa siyang naitatagong plaka ni Michael Jackson na sobrang naging idolo din niya. Ang novelty singer na si Yoyoy Villame ay sobrang bilib din siya sa istilo at mensahe ng kanyang mga sinusulat na kanta. Para sa Kuya Kurt, si Yoyoy Villame ay isang henyo. Nahilig din siya sa musika ng King of Rap ng Pilipinas na si Francis Magalona o mas kilala sa tawag na Francis M.
High school si Kuya Kurt nung na nalaman niya na may talent rin pala siya sa pagsusulat ng kanta. Nag-umpisa lang sa pagsusulat ng tula hanggang sa sinubukan niyang lapatan ng musika gamit ang kayang gitara. Naging malaking tulong din ang pagsama niya sa bandang binuo ng kanyang mga kabarkada. Di naman siya masyadong magaling pero napuwesto siya bilang keyboardist. Sa pagsali niya sa choir ng kanilang Parish church siya mas natuto at nahasa sa pag-gigitara. Naging gitarista siya at acting Musical Director ng choir.
Pinakaunang obra niya ay ang awiting Sana Lagi Kang Kasama. Isang love song na naisulat niya ng walang inspirasyon. Para sa kanyang imaginary crush. Di rin maiaalis sa alaala niya ang isa pang obra na Anino ng Kahapon ang pamagat. Ito ay ginawa niya para sa isang stage play sa kanilang eskuwelahan. Di man na niya kabisado masyado ang mga kanta pero hindi pa rin niya nalilimutan ang ibang tono at linya dahil ang kuwento sa mga kantang ito ay nananatili sa puso at isip niya.
“Pero yung kanta na naisulat ko na may kasama nang instrumento na ako rin ang gumawa, ‘yun ay Alas Dose ang pamagat. Isa sa mga pinaka-importanteng kanta na naisulat ko na hango sa tunay na karanasan. Magkarugtong yung Alas Dose at ang isa pang ginawa ko na kanta, ‘yung Pusang Gala. Ito yung mga taon sa buhay ko na hindi ko alam ang patutunguhan. Walang direksyon ang buhay at naghahanap ng tamang daan dahil sa pagkakaligaw. You know, shit-happens-and-i-don’t-know-what-to-do-moments!”, may hugot na kuwento ni Kuya Kurt.
After graduation, nagpatuloy si Kuya Kurt paglayag sa mundo ng musika at ang mga naging idolo niya ay ang Eraserheads, Yano, Rivermaya, Afterimage at True Faith. Sobrang hangang-hanga siya sa paggawa nila ng kanilang kanta. Kanyang naging inspirasyon sila para magpursige siya na makapagsulat ng may kabuluhan na mga kanta.
Laman siya ng mga bar noon at karamihan na kanyang kinakanta ay ang kanyang mga original na gawa. Ang dedikasyon niya na matupad ang pangarap sa musika ay nagbukas ng pinto para maging in-house songwriter siya ng isang kumpanya at makapagsulat ng ilang kanta para sa GMA-7 sa tulong ng Indie Pinoy.
Nabigyan din siya ng parangal sa musika. Ang kanyang kanta na Pantasya ay itinanghal ng NDM awards bilang Best Song. Ang NDM awards ay isang organisadong grupo sa pamumuno ni Njel De Mesa na nagbibigay ng pagkilala sa kakayahan ng mga independent o indie artists sa larangan ng paglikha ng mga orihinal na musikang Pilipino.
Isang prestige para sa isang songwriter ang makakuha ng award, pero para kay Kuya Kurt mas mahalaga sa kanya iyung maappreciate nila ang panahon na ginugol mo para magawa ang kanta na iyon at matouch sila sa mensahe ng awitin. Ito ang mas mahalaga sa kanya kesa sa physical na award. Bonus na lang sa kanya ang bagay na iyon.
Ang payo niya sa kapwa kapanulat, “Sulat lang ng sulat. Don't aim for perfection, dadating ka doon kapag nahasa ka na. Di rin naman perpekto ang buhay, bakit maghahangad agad kung di pa napapanahon at di pa inaayunan ng tadhana? Matuto lang tayong magtiyaga, mag-antay ay magpatuloy sa ating paglakbay.”
Hindi lang sa musika may husay si Kuya Kurt. May talent din siya sa pagguhit at propesyon niya ay isang graphic designer. Para sa kanya, there is more to life than writing songs. Nagpupursige at pangarap din niyang may marating sa kanyang propesyon, habang patuloy siyang humahabi ng mga musika na may saysay at kabuluhan.
FEATURED VIDEO
Isang napapanahong kanta na puwedeng pagnilayan ng mga botante para sa pipiliing kandidato para sa darating na eleksyon. Composed by Alfred Hempisalla. An Indie Artist, Vocal Coach and Producer.
IVAN CORLEONE

He is the frontman of the band, KALYO. Described by his family, friends and fans as papable, lovable, naughty, and bad-boy looking guy, Ivan is a young talented singer-songwriter who wrote all the original repertoire of their band. The most viewed and heard from Youtube and Soundcloud, Batugan and Tala, are his original work that they play on-stage every time they perform. Ivan Corleone loved the 90’s band. And he even incorporates the foreign band style to their music.
At 27 years old, John Paul Ivan Francisco or IVAN CORLEONE is still single and their band is one of the few promising indie artist that is making big to the indie music scene. He started singing when he was in grade school. He still remembers the time when he sang “Ako’y Isang Pinoy” by Florante, because he stuttered and the audience laughed at him. But he never felt ashamed, he finished the entire rendition of the song.
“Kinabukasan, bale late na akong pumasok. Pagpasok ko sa room naming, nagpalakpakan ang mga kaklase ko, with standing ovation pa, pati na rin ang guro kong madalas na badtrip sa akin. Mula noon, para na akong radyo na paulit-ulit at lagging kumakanta noon sa classroom.“, he recalls.
Ivan started writing song in his high school days. He used to write songs with naughty lines and comedic touch. It was the silver age of rock and roll. And he was with other band before. They competed in Battle of the Bands and he proudly said, his band always wins the competition.
“Noong college ako, huminto ako sa pagbabanda. Sinuko ko ito dahil wala namang sumusuporta sa akin. Kahit ang parents ko, ayaw na magbanda ako. After 6 years, while I was working in an engineering company at nasa magandang posisyon, I realized na hindi ko gusto ang ginagawa ko. Gusto kong tumugtog. Gusto kong magbanda. Sa mahabang panahon nang pagtigil ko sa musika, biglang lumabas din ng mga magagandang lyrics mula sa aking mga karanasan."
The Kalyo band was formed on February 27, 2015. A very versatile band consist of equally talented band mates Glenn Dime-bassist, JayR Villabrille-drummer and Mark Jason Ahig-lead guitarist. And the first person to offer us the doors of the music world is Kuya Kurt, who gave us opportunities to perform in his productions/gigs.
Ivan Corleone is a man of big heart in music. He is so selfless that while pursuing his music career, he also helps his colleagues.
As an aspiring songwriter and musician himself, he always advices his fellow indie artists, “Maging totoo sa sarili. Matutong tumanggap at manimbang. Pag-aralang maigi ang mga sinusulat, sumulat ng may puso at walang alinlangan. At higit sa lahat maniwala sa sariling gawa."
Bongskie Prods
Interview
“Simple lang ang adhikain ng Bongskie Prods, gusto lang talaga namin na lahat ng mga kapanulat na indie ay mabigyan ng pagkakataon na tumugtog at mai-share ang original songs nila at malay natin, isang araw magkakaroon ng katuparan ang pangarap nila...”
-Bong Cervantes-FOUNDER
Ayon sa founder na si Bong Cervantes, nagsimula siyang mag-organize ng mga events o gigs kasama ang mga kaibigan niya na mga member din ng Songwriters Philippines noong 2015.
PAANO PO NAG-UMPISA AT NABUO ANG BONGSKIE PRODS ?
“Wala pa akong idea nuon kung paano simulan ang isang production. Nag-oobserve lang muna ako, tumutulong-tulong at pinag-aaralan kung paano paandarin ang isang production. Bago ko nabuo ang Bongskie Prods, nagkaroon muna ako ng pagkakataon na hawakan pansamantala ang pagpapatakbo sa kilalang production na hawak ng kaibigan ko. Personal issue ang rason niya kung bakit kailangan muna niyang iwanan sa akin ang production niya. Hindi naman ako tumanggi dahil sa mga panahong iyon ay nasundan ko na kung paano ang kalakaran. Alam ko na ang sistema, kumbaga.
KAILAN NINYO NA-FEEL NA GUSTO NINYO RIN MAKABUO NG SARILING PRODUCTION?
“Nung time na wala pang Bongskie Prods, nagtatry-try ako kasama ng mga ibang kaibigan na mga indie artist din na mag-organize ng production naming. Itinatapat naming sa oras na tingin namin is convenient para sa amin. Yung hindi rin conflict sa production schedule ng production na pinahawak sa akin ng aking kaibigan. Sa SELDA DOS namin ginagawa ang event, puro acoustic lang nun ang mga nakukuha kong mga artist na tumutugtog sa amin. Pero sa maniwala ka’t sa hindi, may tao man o wala tuloy lang kami sa pagtugtog. Kalaunan ay kailangan ko ring iwanan sa iba ang production ng kaibigan ko para buuin ko ang aking sariling production outfit, ang Bongskie Prods. Nagkaroon kasi ng confusion dati at kailangan ko ng identity as a producer. Ito rin naman talaga ang pangarap ko eh. And from that point on, every rest day ko ay nag-oorganize ako ng gig.”
ANO ANG KAHALAGAHAN NG ISANG PRODUCTION PARA SA MGA INDIE ARTISTS?
“Matagal na at marami na ang nabuong productions. Ang mga sikat na mga banda ngayon ay sa ganito din nag-umpisa. Libreng tugtugan. Matinding puyatan. Pero nagkaroon sila ng chance na mapansin dahil sa production gaya ng Bongskie Prods. May sistema naman kung gusto mong iparinig sa iba ang talento mo ng live. Iba pa rin ang live performance kasi, mas masaya…mas buhay ang kanta mo. At dito nadidiskubre ang mga talentong hinahangaan ang husay ng kanilang musika.
Mahirap talaga ang magsimula lalo na at pangkalahatan. Pero patuloy akong mag-oorganize ng production para lahat ng ngangarap na indie artist ay mabigyan ng pagkakataon na marinig sa entablado. Hindi namin nahahayaang mawala ang indie sa sirkulasyon.”
PAANO NABUO ANG IDEA NA MAGPRODUCE ANG BONGSKIE PRODS NG INDIE COMPILATION ALBUM?
"Originally, ako lang sa production ang nag-oorganize pero during the time na magre-release na kami ng compilation album, si Dors, ang butihing maybahay ko ang katuwang ko sa pag produce ng album. I know na mahirap, buti na lang at walang sawang sumusuporta ang mahal kong asawa. Malaking tulong din si Ashdevon sa pagtulong sa akin sa pagmarket at paggawa ng animation videos para sa album. Hindi rin matatawaran ang contribution ng Indiepinoy na ibinigay sa ICA 1 & ICA 2. Nakasalang na rin ang ikatlong Indie Compilation Album na lalabas ngayon April. At salamat kay Evan Sky na walang sawang pagtulong sa prods. Isa rin siyang mahusay na photographer at graphic designer na siyang designer ng bagong logo ng Bongskie Prods."
MAY PAANYAYA PO BA KAYO NA NAIS SABIHIN SA MGA INDIE ARTISTS NA NAIS SUMAMA SA MGA GIGS AT SA MGA NAIS MAPABILANG SA INYONG INDIE COMPILATION ALBUM?
"Ang Bongskie Prods ay hindi nangangako na yayaman kayo o sisikat kayo kapag kasama namin kayo sa mga gigs. Siguro, minsan nasa tadhana din yan, nasa tamang panahon. Tiyagaan lang naman, kasi kung nasa isang tabi ka lang at hindi mo nahahasa ang talento mo ay wala din. Ang Bongskie Prods ay masaya naming ipo-promote ang music ninyo. Kinukunan din namin ng video ang mga gigs at ina-upload namin sa channel ng Bongskie Prods sa Youtube at pati sa FB page ng Bongskie Prods. Nandiyan din ang CHANCE na mapatugtog sa FM radio ang mga kanta nila. Ang PINAS PM ay isa sa mga sumusuporta sa musika ng Indie Artists, at karamihan sa compilation album namin ay ine-ere sa PINAS FM. Sa mga gustong palawakin ang kanilang experience at mapabilang sa aming fun-filled tugtugan, bukas po ang Bongskie Prods sa lahat. Nais po naming marinig ang kuwento ninyo bilang artist at ang nilalaman ng awit ninyo at maishowcase ang talent ninyo sa pinakabagong Bongskie Prods Indie Afternoon Show. Ito’y isang hakbang para palawakin pa ang ating musika."
Ang Bongskie Prods ay nagpapasalamat sa patuloy na support sa mga tropang banda at mga kaibigan, Don Benito’s Cassava –Atty. Kaloy, Mr. & Mrs. Omar Regalado of Grub-eh Pares, BKB, Four Strings, Ukulele Manila, Pinas FM 95.5 DJ's at Mama Belle of Brgy LS 97.1.
ANG MAESTRO
Filipino Indie Music Tribune
Published by: Ang Maestro
Media Workx
Publisher: Jimi Jurado
Senior Writer: Jershon Casas
Research/Senior Writer: Lorna P. Rodrigo
Contributors: Indie Artists
ASHDEVON
Si Dennis Regalado o mas kilala sa tawag na ASHDEVON sa entablado ay labing-isang taong gulang noong mag-umpisa siyang magkainteres na matutong mag-gitara. Sa pagsali-sali niya sa choir nung kabataan niya, nahasa ang kanyang pagtipa ng gitara. Sa kaniyang sariling pagsisikap at sa tulong ng ibang kaibigan ay lalo pang naging mas napayabong ang kanyang interes sa musika.
“Sa pamilya namin , karamihan ay mga frustrated singer, siguro ako lang ang naglakas-loob na seryosohin ang musika..”
Nakahiligan niyang tugtugin ang Rock Music at idolo niya Eraserheads at Rivermaya. Naging tagahanga siya nina Rey Valera, George Canseco, Venhee Saturno, Joey Ayala, Ryan Cayabyab at Gary Granada. Sila ay mga batikang kompositor ng musikang Pilipino. Hindi rin nawala sa listahan ng kanyang kinahiligang musika ang The Beatles at nahumaling sa mga extremist sa gitara na gaya nina Paul Gilbert, Joe Satriani, Vai at Malmsteen.
Ang pagbuo niya ng mga simpleng letra habang tumitipa siya sa kanyang gitara ay nagsimula din noong mga panahong kabahagi siya ng isang choir sa simbahan. Mas nawili siyang gumawa ng harmony part kesa melody lines. At ang kauna-unahang obra-maestra niyang naisulat ay Without You.
“15 years old ako noon. Nung magbreak kami ng girlfriend ko, sobra akong nagdamdam. At isinulat ko ang kalungkutang iyon kasabay ng pagtipa ko ng madamdaming tunog nga aking gitara.”
Marami nang panahon ang lumipas at marami ng himig ang nalapatan niya ng titik, pero di makalimutan ni Ashdevon ang madalas na pag-akyat niya sa entablado at kumanta sa mga school program o event noong high school siya. Ito ang naging umpisa para mas tumibay ang puwesto niya sa mundo ng musika at marating ang mga munting bagay na inaasam.
Si Ashdevon ay na-feature bilang Artist of the Week at na-interview sa In the Raw ng NU 107 para sa compilation ng awit niya noong 2010.
“Sa tingin ko, hindi pa ganun kalayo ang narating ko kung ang pagbabasehan ay ang "popculture sense" ng music ko. Pero kung ang "artistic sense" nito, halibawa ang paggamit ng mga public schools sa iba't ibang parte ng bansa ng aking Graduation Song, KUMUSTA AT PAALAM, masasabi kong masaya na ako na kahit papaano ay may naiambag na ang musika ko sa bansa kahit sa munting paraan at maipapamana sa aking anak."
Si Ashdevon ay almost 18 yrs na as choir coordinator at chorale vocal arranger rin ng ibang colleges. Ang pinakaasam-asam niyang makamit ay ang pinakaprestihiyosong Ang Gawad Pang-alaala kay Don Carlos Palanca para sa Panitikan o Gawad Palanca. Isang pinakabantog at pinakamatagal na gawad pampanitikan at binansagang "Gantimpalang Pulitzer" ng Pilipinas at ang kilalaning National Artist for Music.
“Sa musika lang balanse ang mga bagay sa mundo, may instrumento o wala, may pera o wala, edukado o hindi kung ikaw ay pinagkalooban ng talentong himayin at habihin ang mga nota sa hangin makakabuo ka ng musika saan ka man dalhin.”
Ang payo ni Ashdevon sa kapwa manunulat ay huwag silang matakot na tanggapin kung ano sila, wag matakot sa sasabihin ng iba basta ipahayag lang nila ang laman ng puso at ang tinig ng kanilang damdamin.
DENNIS ROXAS
Siya si Ignacio Dennis E. Roxas. Isinilang bilang pinakabunsong anak noong Hulyo, 1966. Mula noong kabataan niya sa elementarya ay laging laman siya ng entablado.
Ang kanyang pagkahilig niya sa pagtugtog ng gitara ay kanyang unang nadiskubre nung kinanta niya para sa sa graduation nila ang kanta ni Michael Jackson na HAPPY. Bumili siya ng Jingle Magazine noon para matuto sa pagtipa. Wala kasing puwedeng magturo sa kanya ng mga panahong iyon.
“Naging basehan ko ang Chord Chart sa pahina ng Jingle Magazine para mapag-aralan ang tamang paglagay o posisyon ng kamay o ng daliri. May mga pagkakataon din na tumatambay ako sa mga nag-iinuman at nagkakantahan sa may kanto para lang may matutunan ako sa kanila. Nagtatanong-tanong ako. Kahit na inuutus-utusan nila ako, sa akin naman eh maturuan lang ako at makahawak ng gitara ay okey lang. Doon ako halos natuto ng basic guitar playing.”, kuwento ni Dennis.
Ang pagsusulat ng kanta ay sanhi ng paghihiwalay nila noon ng kanyang nobya. High school siya noong unang nagmahal at dahil hindi pa siguro sila ang nakatadhana, nangyari ang masakit na paghihiwalay. Dulot ng hiwalayang iyon, nalunod ang kanyang puso ng emosyon at dumaloy ito sa kanyang mga kamay hanggang mailatag ang masidhing pagkirot ng damdamin sa piraso ng papel. Gamit ang kanyang gitara, nabuo niya ang kauna-unahan niyang obra-maestra na kanyang pinamagatang “SANA'Y DI KITA INIBIG". Hindi pa rin niya limot ang mga titik at melodiya ng kanyang unang komposisyon, ito ang naging daan upang makagawa pa siya ng maraming mga kanta.
“Pinangarap kong mag-UP Conservatory pero wala kaming pera, soEducation ang course na binagsakan ko. I was not happy with that. So i challenge myself to learn and play music better hanggang sa makasama ako sa banda. From there, tuloy-tuloy na. But bands don’t last especially kung wala namang management talaga.” kuwento pa ni Dennis Roxas.
Noong ma-disband ang unang banda ni Dennis, nabigyan siya ng pagkakataon na ipagpatuloy ang pakikipagsapalaran niya sa mundo ng musika sa pamamagitan ng LA 105 FM. Sa tulong at suporta ng radio program host na si Ramon “THE DOCTOR” Zialcita, narinig ang kanyang mga original na kanta sa ere. Nagkaroon din sila ng project na CHRISTMAS songs album.
Kasama sa album ang kanyang orihinal na komposisyon na Pasko ng Mahirap, Pasko ng Mayaman na binigyang buhay kasama ang kaniyang mga kapatid na sina Allan Roxas at Dodjie Roxas (known as SANDUGO)sa Christmas compilation album na CHRISTMAS ON THE ROCKS sa pamamagitan ng Musician-Producer na si Ed Formosa. Ito ang kauna-unahang narecord sa studio na kanta niya.
Isa sa mga dahilan ng pagkawala ng grupo niya sa sirkulasyon ay dahil sa malayo sila sa Manila.
Taga-Macabebe, Pampanga ang angkan niya. Dati walang cellphone o internet access.
Ilang taon din siyang nanahimik bago niya naisipang bumuo ng acoustic trio. Ito ang Soundkhard Trio na kinabibilangan ng dalawa niyang kasamang babae. Pero di rin ito nagtagal at nabuwag din.
“Noong mag-isa na lang ako. Hindi ako tumigil sa pagsusulat. Hanggang noong natuto ako konti sa internet at facebook, nagkaroon ako ng chance na mapabilang sa maging kaibigan ng isang Indie Artist-turned-GMA Records Artist na si GLEN MAPUE. Siya ang nagpakilala sa akin at nag-add sa Songwriters Philippines at muli ay narinig ang aking musika." pagpapatuloy ni Dennis.
Nakilala rin ni Dennis Roxas si Leslie Navarro sa Songwriters Philippines. Ito ang nag-encourage sa kanya na sumali sa A Song Of Praise Music Festival (ASOP). At sa ASOP nga siya nabigyan ng opportunity na ibahagi at iparinig muli ang kanyang malikhaing paghabi ng napakagagandang awitin. Ang kanyang kantang SALAMAT PO, AMA ay binigyang buhay ng isang napakagaling na singer na si Charlie Fry mula Weekly Finals hanggang umabot at manalo ito sa Monthly Finals.
Siya ay napabilang sa mga nanalo para sa GRAND FINALS at ang napiling mag-interpret sa kanta niya ay walang iba kundi ang Singer-TV Host na si Jojo Alajar.
Ang SALAMAT PO, AMA ay isang kantang napapanahon na nagpapahayag ng pasasalamat sa Diyos kahit na tayo ay nalulublob sa kahirapan. Binigyan ito ng rating na 10/10 ng resident judge ng ASOP na si Doctor Musico Mon Del Rosario dahil sa unique na lyrical approach at dahil sa taglay ng kanta na commercial appeal.
Di man pinalad si Dennis Roxas na masungkit ang unang puwesto sa Grand Finals ng ASOP Season 4 na ginanap sa Araneta Coliseum, nagpapatuloy siya sa kanyang misyon na makagawa pa ng mas magaganda na kanta. Ang kanyang napanalunan sa ASOP ay ibinili niya ng mga gamit para sa kanyang home recording, para maging mas de-kalidad ang kanyang mga demo.
“Hopefully, magkaroon ako ng chance na mapenetrate ang music industry bago ako lubugan ng araw.”, may pag-asang pagtatapos ni Dennis Roxas.
BENEDICT SY
Si Benedict Sy ay Undergraduate sa BS Business Management Major in Human resources . Siya ay tubong-Cavite.
3years old siya noong nag-umpisa siyang makitaan ng galing sa pagkanta. Si April Boy Regino noon ay isa sa kanyang idolo at ang iba ay mga dayuhang mang-aawit. Ang mother niya ang nagturo sa kanya bagaman at di rin naman ganun kagandahan ang boses pero taglay niya ang pagmamahal sa musika. At alam niya na ang talent niya sa pagkanta ay kaloob ng Diyos.
Natuto siyang maggitara noong 14 years old siya. At ang una niyang naisulat na original na composition ay pinamagatan niyang BAWAL. Hango ito sa sarili niyang experience.
Naisulat ko po yun dahil sobrang in love talaga ako sa tunog kalye lalo n sa bandang Parokya ni Edgar , tapos iyung lyrics ng kanta ay talagang mga pangyayari sa buhay ko.
Noong 2011, nagkaroon ng pagkakataon si Benedict Sy na ipamalas ang galing sa musika sa pakikipag-collaborate niya para sa isang show ng isang British opera singer sa Makati na dinaluhan ng mga British delegates.
Malayo na ang narating ni Benedict Sy sa larangan ng musika. Nakapasok na rin ang kanyang mga obra sa Top 100 ng Philpop. At nitong 2015 ay nakasama ang kanta niyang “WALANG HANGGAN” as Grand Finalist sa ginanap na ASOP Season 4 Grand Finals Night sa Araneta Coliseum.
Hindi aakalain ni Benedict na mauungusan niya ng puntos ang mga obra ng kalaban niya noong weekly finas hanggang monthly finalas dahil sa tataas ng mga kanta ng mga kapwa niya kalahok ay masasabi niyang isa itong God-given opportunity.
Nakitaan ng potensyal na maging hit song ang “Walang Hanggan” ng mga huradong sina OPM icon Pat Castillo, singer/composer Rannie Raymundo at Doctor Musiko Mon Del Rosario at naging daan iyon upang tumibay ang kanyang puwesto para sa grand finals night.
Si Daryll Reynes ang naging interpreter niya hanggang sa maipanalo nito ang mothly finals at sa Grand Finals ay napiling interpreter ng kanyang kanta ay ang batikang singer na si Maki Ricafort. Si Maki Ricafort ay dating miyembro ng bandang South Border at nakasama rin sa The Voice Philippines.
Gaya ni Dennis Roxas, hindi rin naibigay kay Benedict ang inaasam na unang puwesto, pero sa isip niya ay magpapatuloy siya na magsusulat ng mga awitin hangga’t di siya nagwawagi at makilala sa larangan ng musika. Gusto rin niya na marinig ang mga kanta niya sa mga radio stations at makatrabaho ang mga magagaling at sikat na OPM artists.
“Ang isang indie artist ay hindi umaayaw, sige lang, tuloy lang sa pagsulat!”, ito ang payo ni Benedict Sy sa kapwa niya kapanulat.
Dalawang kilala sa Indie community ang nabigyan ng pagkakataon na maiparinig ang kanilang mga kanta dahil sa pagkakapili bilang mga Grand Finalists sa ginanap na A Song Of Praise Music Festival Season 4 Grand Finals.
Sina Dennis Roxas at Benedict Sy ay parehong pumasok sa Top 12. Ang ASOP ay isang programa ng UNTV3.
Nagpapasalamat ang Ang Maestro (Filipino Indie Music Tribune) dahil sa pagpapaunlak nila na naishare sa atin ang kuwento ng kanilang musika.
"Salamat Po Ama," composed by Dennis Roxas, is ASOP Year 4's July Song of the Month. It is interpreted by actor-comedian-singer Jojo Alejar in the ASOP Year 4 Grand Finals at the Smart-Araneta Coliseum on October 13, 2015.
ANG MAESTRO'S NOTE:
Ang ASOP Logo at ang mga MTV na naipost ay buong pag-aari ng UNTV o ng ASOP. No copyright infringement intended.
GRAND FINALISTS
by Lorna P. Rodrigo
"Walang Hanggan," composed by Benedict Sy, was hailed as ASOP Year 4's December Song of the Month. It is interpreted by former South Border member Maki Ricafort in the ASOP Year 4 Grand Finals at the Smart-Araneta Coliseum on October 13, 2015.
HOMEGROWN
BY JERSHON CASAS
LESLIE is a passionate songwriter who is generous in sharing his talent with fellow artists. He takes pleasure in helping new songwriters elevate their craft and provide them with needed guidance. His early creations during his mid-twenties were the expression of his inner thoughts and feelings that were the result of his own experiences. He finds comfort in writing not just love songs, but also praise songs. He believes that music is not just a song, but a prayer.
His mobile device provides him the means to capture the inner workings of his mind when an inspiration happens anytime of the day.
His accomplishments include winning twice in the songwriting contests on 2 Internet radios. He also competed in the ASOP ( A Song of Praise )Music Festival and made it to the weekly finals 3 times. Leslie Navarro, a dedicated songwriter who rejoices and gives thanks to his creator through his original inspirational music.
AMELIA is a gifted musician singer-songwriter who started writing songs at an early age of 10. Composing for her fellow children choir members in their church, has helped her master her skills in songwriting, playing the piano and guitar. This opportunity resulted in her first album at 12 years old.
A protégé who finds inspiration through her own experiences, her friends’ life stories, and anything that catches her fancy. When inspiration appears, the world around her stops, and she puts her thoughts on paper to capture the moment. This creates a mosque of words and melody to form a master piece. Her genre of choice has evolved from gospel songs during her formative years, to heavy metal and underground songs during her 20’s, and at present; pop rock is her prime focus. Her style was greatly influenced by the songs of Yeng Constantino and Asin. For her, songwriting will forever be her first and last love. A passion that will always be an intricate part of her existence.
Amelia Bello’s dream is to cement her name through her compositions and be a helping hand to other songwriters who needs her musical skills.
Sonny is a multitalented performer who is a veteran of the Philippine music industry. He is a well known songwriter, singer, keyboardist and a lead guitarist. His well-established music career has given him the opportunity to perform with different bands around the Philippines and abroad. His original compositions are often part of their repertoire.
He was inspired to write his first song by a lovely teenager who he was courting at that time, and later became his true partner in life. His first song is entitled, "FLORDELIZA."
In creating his compositions, he utilizes the different musical instruments he mastered throughout his career. He enjoys composing rock music, including rock love songs. His style of music was greatly influenced by the Beatles, Juan dela Crus Band and Mike Hanopol.
Sonny Samonte is a true musician and songwriter who finds inspiration from the beauty all around him.
INDIE ARTISTS
Around The World
![]() ROWELL DIZON MALLARI | ![]() CHARLIE "Pusah55" ESPENIDA JR |
---|---|
![]() CHLINT VALENZUELA |