


KEEN MIANO
Si Keen Miano ay isang Indie solo artist. Singer-Songwriter at recording artist mula sa Bulihan, Silang, Cavite. Taong 2011 noong nagsimula siyang magsulat ng kanta at taong 2013 noong irecord niya ang kanyang mga naisulat na kanta at mag-perform sa mga gigs at events.
Ayon kay Keen, kahit minsan may mga taong gusto kang hilahin pababa di siya sumusuko dahil ito ang gusto niyang gawin. Gusto niyang makilala sa music industry as singer-songwriter at maging inspirasyon para sa iba. Naniniwala siyang libre lang ang mangarap. Mahal niya ang musika. Mahal niya ang indie scene. Masaya at nag-eenjoy siya sa entablado at naniniwala siyang mararating din niya ang nais niyang marating… sa tamang panahon.
​
What’s your full name and your stage name?
Ang aking buong pangalan ay Keen Jonathan O. Miano at ang aking ginagamit sa entablado ay Keen Miano.
Birthday and your birthplace?
Cagayan de oro city
When did you know you are inclined to music?
When I was 10 years old.
When did you start playing? Which instruments do you play? What was the first tune(s) you learned?
Ang ginagamit ko pong instrument ay acoustic guitar and nag start po akong tumugtog noong year 2011 at nagsolo sa taong 2013.
Describe your first instrument. Other instruments.
Ang aking first instrument ay gitara. Dito ako nagsimula, dito ako natuto. Marami na kaming pinagdaanan ng gitara ko.
Who helped you achieve learning your instrument of interest or who is your vocal coach? Who was your first teacher? Other teachers?
Walang nagturo sa akin kung paano maggitra wala din akong teacher at coach. Sariling sikap ako na matutong mag gitara .
Is your family musical?
Ang aking Papa ay kumakanta at tumutugtog din ng gitara.
Describe your family member's musical interests and abilities.Which famous musicians do you admire?
Ang aking musikerong hinahangaan ay si Noel Cabangon, Jireh Lim, Kennard Faraon, TJ Monterde. Sila yung mga naging influences ko kung bakit ako nagsolo. Gustong gusto ko ang musika nila. Musika ng pag-ibig.
What are your fondest musical memories? In your house? In your neighborhood or town?
Isa sa pinaka memorable sa musika ko ay ang makantahan ko sa entablado ang mga tao na pawang tuwang tuwa sila.
What was you first original composition? What was it all about, lyrical message/content?
Ang aking naunang naisulat na kanta ay tungkol sa pag ibig. Nagmahal pero hindi naging sila kasi hanggang crush na lang. Ang title nito ay PANGARAP, kasi my bf yung girl. Actually ito ay experience ko rin.
Have you been in competitions? Himighandog? Philpop? Or any other? Any prizes?
Sumali ako dati taong 2013 sa Himig Handog at ngayong 2016 sa “Elements music camp”.
Do you perform in public?
Describe those occasions Concerts, radio, TV guestings?
Tumutugtog ako sa mga gigs, birthday parties at pag naimbitahan. Nakapag guest na rin ako taong 2015 sa Radyo Uno DZME1530.
How do you handle mistakes during a performance?
Kapag ako ay nagkamali sa gitna na aking performance, tinutuloy tuloy ko pa rin ang aking pag awit. ineenjoy ko ang mga sandali na ako ay nasa entablado.
Do you get nervous before a performance or a competition?
Nung nag-uumipisa pa lang ako taong 2013, palagi akong kinakabahan pero nung tumagal tagal na hindi na. Kapag nasa entablado na ko nawawala na ang kaba ko sa dibdib at ine-enjoy ang mga sandali sa entablado habang kinakanta ang aking piyesa.
What advice would you give to beginners or to those who wish to follow you music goals? To fellow indie artists?
Ang payo ko lang bilang isang indie solo artist sa mga nagsisimula pa lang, wag sumuko sa mga pangarap na nais ninyong makamit. Basta enjoy lang sa music at maging magpakumbaba palagi.
I-enjoy ang inyong musika.